Village chief nilikida
May 19, 2005 | 12:00am
TARLAC CITY Napatay sa asasinasyon ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang 62-anyos na village chief sa komunidad na itinuturing na dating kuta ng mga rebelde noong Martes ng gabi.
Anim na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jesus Bueno ng Barangay Balite sa bayan ng Pura may 15 kilometro ang layo mula sa nabanggit na lungsod.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Delfin Melegrito, naglalaro ng baraha si Bueno at kanyang misis kasama ang ilang kababayan sa compound na pag-aari ni Larry Cayapon nang sumulpot ang tatlong hindi kilalang rebelde na armado at nakayapak.
Dalawang hindi kilalang lalaki ang lumapit kay Bueno saka pinaputukan ng ilang ulit sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan habang ang isa ay nagsilbing lookout.
Palakad na tumakas ang tatlo sa hindi nabatid na direksyon habang naisugod naman sa Rayos Hospital sa bayan ng Paniqui si Bueno, subalit idineklarang patay.
Naniniwala naman ang mga opisyal ng intelligence and investigation division na ang pagkakapaslang kay Bueno ay paghihiganti ng mga rebelde sa naganap na engkuwentro ng militar laban sa makakaliwang kilusan sa nabanggit na barangay. (Benjie Villa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended