‘Bungangerang’ misis binoga

CAMP OLIVAS, Pampanga — May posibilidad na ang pagiging bungangera ng isang 29-anyos na misis ang naging dahilan kaya binaril sa mukha ng sariling mister na kawal ng Phil. Air Force makaraang magtalo ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Pandan, Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat ng pulisya.

Kasalukuyang ginagamot sa Jose B. Lingad Hospital ang biktimang si Herminia Estrada, samantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Sgt. Joel Estrada na nakatalaga sa Camp Aguinaldo. Base sa ulat, nagalit ang suspek sa biktima dahil sa hindi mapigilang katatalak hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments