9-anyos todas sa meningo

ZAMBOANGA CITY — Muli na namang sumalakay ang nakamamatay na meningococcemia makaraang mamatay ang isang 9-anyos na lalaki na isinugod sa Zamboanga City Medical Center noong Sabado. Kinilala ni Dr. Rodelyn Agbulos ang biktimang nasawi na si Raymond Cayona ng Barangay Sta. Catalina, Zamboanga City.

Base sa ulat, ang biktima ay nilagnat at nagkaroon ng pantal sa katawan ng tatlong araw bago isugod sa nasabing ospital. Binigyan na ng kaukulang lunas ang mga naging kalaro ng biktima maging ang mga kaanak nito. (Ulat ni Roel Pareño)

Show comments