Ito ang ibinunyag sa PSN ng isang mapagkakatiwalaang impormante matapos ang ginawang inspeksyon ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Subic Port District Collector Atty. Marietta Zamoranos sa isang container van sa NSD compound noong Lunes ng hapon.
Napag-alamang mula sa Japan ang mga imported vehicles at inabandona ng consignee na hindi tinukoy ang pangalan.
Tatlong linggo na ang nakalilipas ng unang buksan ng BoC personnel ang nasabing container van na kinalalagyan ng kontrabando at ng kanilang binalikan at buksang muli noong Lunes para opisyal na kumpiskahin ay nasorpresa ang mga tauhan ng Customs dahil walang laman ang van.
Kaugnay nito, napag-alamang nagsisisihan ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) at Anti-Smuggling Task Force (ASTF) dahil sa pagkawala ng kontrabando sa kabila nang mahigpit na pagbabantay sa entry/exit gate ng NSD compound ng SBMA police at ng Anti-Smuggling Task Force sa ilalim ni ret. Lt. Gen. Jose Calimlim. (Jeff Tombado)