^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-
VILLASIS, Pangasinan — Binaril at napatay ang isang 45-anyos na barangay chairman ng hindi kilalang lalaki habang isa pa ang tinamaan ng ligaw na bala na ikinasugat nito sa labas ng gymnasium na sakop ng Barangay Unzad sa bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Cesar Macanas, samantala, ginagamot naman sa Polymedic Hospital and Trauma Center si Jeffrey Saldivar, 21, ng Barangay Bacag matapos na tamaan ng ligaw na bala ng kalibre.45 baril sa paa.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Mario Mengaracal, si Macanas ay nanonood ng basketball kasama ang ilang kaibigan.

Ilang sandali pa ay umalis na ang biktima at tiwalang naglakad mag-isa habang naiwan ang kanyang anim na alalay.

Tinyempuhan ng killer ang biktima na papasakay ng Mitsubishi pickup at isinagawa ang krimen.

Malaki ang paniniwala ng mga imbestigador ng pulisya na matinding alitan sa ilang opisyal ng barangay ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat nina Eva Visperas at Angie dela Cruz)

ANGIE

BARANGAY BACAG

BARANGAY UNZAD

BINARIL

CESAR MACANAS

EVA VISPERAS

JEFFREY SALDIVAR

MARIO MENGARACAL

PANGASINAN

POLYMEDIC HOSPITAL AND TRAUMA CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with