2 suspek sa pagpatay sa journalist, kinasuhan
May 14, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Kinilala na ng Philippine National Police ang dalawa sa tatlong suspek sa pamamaslang sa publisher na si Philip Agustin, publisher at editor ng Starline Times Recorder sa Dingalan, Aurora.
Ayon kay Sr. Supt. Perfecto Palad, hepe ng Task Force Agustin, sasampahan na nila ng kasong pagpatay ang mga suspek na sina Boyet Morete at Anuel Alday sa Aurora Provincial Prosecutors Office.
Sinabi ni Palad, ang suspek na si Morete ay kilalang gun-for-hire at miyembro ng Batang City Jail at sinasabing pangunahing suspek sa pamamaslang kay PO3 Efren Pelaez sa Bayan ng Casiguran at pananambang kay Armys PFC Edwin Baldova sa Dingalan noong Marso 12, 2003.
Samantala, si Anday naman ay empleyado ng Dingalan Municipal Hall.
Sa pagsisiyasat, nabatid na nagkita ang mga suspek sa Pongs Videoke Bar sa Brgy. Paltoc, Dingalan dakong alas-9 ng gabi noong Martes at plinano ang pamamaslang kay Agustin dakong alas-11:45 ng gabi.
Nabatid pa kay Palad na anim na testigo ang magpapatunay nang pagkikita ng mga suspek sa videoke bar kung saan dalawa sa mga saksi ay mag-asawa ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP.
Idinagdag pa ni Palad na sa kasalukuyan ay inaalam na nila ang mastermind sa pamamaslang kung saan tinitingnan na pangunahing motibo ang pagbubunyag ni Agustin sa umanoy iregularidad sa pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Dingalan.
Isa pa sa mga anggulong tinitingnan ay ang maanomalyang paglilipat ng lumang bubong ng slaughter house sa sabungan na pag-aari ni Mayor Jaime Ylarde. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended