^

Probinsiya

3 sugatan sa warning shot

-
CAVITE – Tatlo-katao na pinaniniwalaang nagnanakaw ng ilang ari-arian ng eskuwelahan ang nasugatan makaraang tamaan ng mga slug mula sa warning shot ng isang kagawad ng pulisya sa Barangay San Roque, Naic, Cavite kamakalawa. Ginagamot sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina Jefferson Sacro, 19; Davidson Sacro, 20; at Emerson Sugatan na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Sumuko naman ang suspek na si SPO2 Martin Panganiban. Sa ulat ni PO2 Dario Carangalan, namataan ni SPO2 Panganiban ang tatlo na nagnanakaw kaya siya bumaba ng traysikel at nag-warning shot, subalit tumama ang mga bala sa pader at nasabugan ang tatlo. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

BARANGAY SAN ROQUE

CAVITE

DARIO CARANGALAN

DAVIDSON SACRO

EMERSON SUGATAN

GINAGAMOT

JEFFERSON SACRO

LOLIT YAMSUAN

MARTIN PANGANIBAN

SAN LORENZO RUIZ HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with