^

Probinsiya

13 nalason sa beef steak

-
CAMP CRAME — Isa na namang insidente ng food poisoning ang naganap makaraang malason ang labintatlong kabataan mula sa kinaing beef steak sa dinaluhang summer camp sa Davao City kamakalawa.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkikilanlan ng mga biktimang nasa edad na walo hanggang 12-anyos na pawang miyembro ng Alliance Church.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nagtungo ang mga biktima sa resort na sakop ng Palacan, Davao City para sa taunang summer camp.

Nagsalu-salong kumain ng kanilang baon na beef steak ang mga biktima at makalipas lamang ang ilang sandali ay magkakasunod na nakaramdam ng pananakit ng tiyan at nasundan ng pagsusuka.

Pinagtulungan isinugod sa Davao City Medical Center ang mga biktima kung saan naagapan naman ang kanilang kondisyon.

Masusi namang sinusuri ng mga awtoridad ang beef steak na pinagsaluhan ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALLIANCE CHURCH

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DAVAO CITY

DAVAO CITY MEDICAL CENTER

ISA

MASUSI

NAGSALU

PALACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with