Sa kanyang ipinadalang liham kay Subic Port Customs Collector Atty. Marietta Zamoranos, sinabi ni Calimlim na hindi maaaring ipatupad ang kautusan ni Lina sa kanyang ipinalabas na Customs Memorandum Order No. 16-2005 na sakop din sa ilalim ng Republic Act No. 8506 o hindi pagtanggap sa mga RHD na ipinapasok dahil sa freeport status nito.
Ipinaliwanag pa ng dating heneral sa kanyang liham, na kailanman ay hindi maaaring sakupin ng memorandum order ni Lina ang pagbabawal nito na mag-angkat ng used vehicles sa ibang bansa sapagkat taliwas ito sa kasalukuyang ipinapatupad na Republic Act 7227 ng Freeport.
Idinagdag pa ni Calimlim, kasalukuyang Senior Deputy Administrator ng SBMA, na ang bawat Right Hand Drive (RHD) na ipinapasok sa bansa ay maaaring ilabas at dalhin uli sa ibang bansa o kaya naman ay isasailalim sa konbersyon sa Left Hand drive bago papayagang gamitin sa mga pangunahing lansangan.
Sa kasalukuyan ay may 500-unit ng RHD vehicles ang ipinasok dito sa Freeport noong nakalipas na Linggo na ngayon ay isinasailalim sa konbersyon sa Left Hand drive. (Ulat ni Jeff Tombado)