1 patay, 11 sugatan sa banggaan
May 11, 2005 | 12:00am
DINALUPIHAN, Bataan Isang limang taong gulang na babae ang kumpirmadong patay samantalang 11 ang nasa malubhang kalagayan matapos na magbanggaan ang isang Isuzu passenger jeep at MMC Van kamalawa sa Brgy. Pinulot, Dinalupihan, Bataan.
Kinilala ni Bataan Provincial Police Director P/Sr. Supt. Hernando Zafra ang nasawi na si Ronalyn Baltero samantalang ang mga nasugatan naman ay nakilalang sina Lorilyn at Rodrigo Baltero, magulang ni Ronalyn; Melba Vero, Melvin Vero, Salvador Vero, ng Brgy. Sta Rita. Ang mga ito ay pawang lulan ng Isuzu passenger jeep; Genaro Bendo, Licila Calimag, Loida Ilao, Consortion Lopez, Jorge Ilao at Cherry Bernal pawang residente ng Brgy. Mabiga at sakay ng MMC van.
Batay sa report, dakong alas-6:15 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Brgy. Pinulot habang patungong Maynila ang Isuzu passenger jeep na may plate no. CVU-428 na minamaneho ni Salvador.
Bahagyang nasakop nito ang kanang bahagi ng kalsada kung saan papasalubong naman ang MMC van na may plate no. CNT-213 na minamaneho naman ni Bendo na patungo naman sa Olongapo City.
Kapwa wasak ang dalawang sasakyan kung saan namatay si Ronalyn samantalang ang iba pang pasahero ay nagtamo naman ng mga bukol, sugat at bali sa ilang mga bahagi na kanilang mga katawan
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Dinalupihan Municipal Police Station kung sino sa dalawang driver ang may kasalanan at kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa laban dito. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended