Mayor, bodyguard todas sa ambush; 2 pa kritikal
May 11, 2005 | 12:00am
Patay ang alkalde ng Sta.Rosa City, Laguna at close-in security nito matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek na ikinasugat pa ng dalawa pa nitong bodyguard matapos ang isagawang mass wedding sa lalawigang ito kahapon ng umaga.
Matapos ang dalawang oras, binawian ng buhay dakong alas-12:15 ng tanghali sa Perpetual help Hospital sa Biñan, Laguna si Sta. Rosa City Mayor Leon Arcillas matapos na magtamo ng tatlong tama ng bala ng baril.
Dead-on-the-spot naman ang close-in security nito na si PO2 Erwin Rivera na kasapi din ng Special Action Force habang isa naman sa mga nasugatang bodyguard nito ay nakilalang si PO3 Nonoy Almendras.
Ayon kay Chief Supt. Jesus Versoza, Director ng CALABARZON Provincial Police Office, katatapos lamang magkasal ni Arcillas sa isinagawang mass wedding dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pamamaslang.
Pababa na ito at ang kanyang tatlong bodyguard sa bulwagan ng Municipal Trial Court nang biglang sumulpot ang dalawa sa tatlong suspek habang ang isa ay nagsilbing look out. Biglang pinaulanan ng bala ng mga salarin ang alkalde hanggang sa bumulagta.
Masusi namang iniimbestigahan ng pulisya ang anggulo na politically motivated ang insidente at kagagawan ng NPA. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended