^

Probinsiya

NPA vs AFP: 4 patay

-
CAMP CRAME – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang isang trak naman ng pampasabog ang nasamsam ng mga kawal ng pamahalaan matapos makasagupa ang mga rebelde sa San Agustin, Surigao del Sur kamakalawa.

Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Generoso Senga, dakong alas-9 ng umaga nang makasagupa ng tropa ng Scout Rangers sa ilalim ng superbisyon ni Brig. Gen. Danilo Lim ang grupo ng NPA sa Andap Valley, Brgy., Buhisan, San Agustin ng nasabing lalawigan.

Napilitan namang umatras sa sagupaan ang grupo ng mga rebelde matapos na mapaslang ang apat sa kanilang mga kasamahan na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang wala namang nasugatan sa panig ng tropa ng militar.

Sa isinagawang clearing operations ay narekober sa loob ng isang kuweba ang isang trak ng eksplosibo na pinaniniwalaang gagamitin ng mga rebelde sa paghahasik ng terorismo.

Kabilang sa mga nasamsam ay isang M14 rifle, 7.62 FAL rifle, dalawang cal. 38 revolvers, apat na sako ng detonating cord, isang bar ng cutter, electric stand drill, isang acetylene set, computer printer, dalawang generator set, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANDAP VALLEY

APAT

ARMY CHIEF LT

DANILO LIM

GENEROSO SENGA

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

SAN AGUSTIN

SCOUT RANGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with