^

Probinsiya

Cartographic sketch ng killer ni Cantoneros ipinalabas

-
CAMP CRAME – Ipinalabas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa tatlong killer ni dxAA broadcaster Klein Cantoneros na inambus at napaslang sa Dipolog City noong nakalipas na linggo.

Ayon kay PNP Chief Director General Arturo Lomibao, ang nasabing suspek ay tinatayang may taas na 5’8, nasa 40-anyos at may katamtamang pangangatawan.

Isa ring testigo ang ngayo’y hawak na ng binuong Task Force Cantoneros na inaasahang makatutulong upang malutas ang krimen.

Una rito, upang mawala ang hinala na magkakaroon ng ‘whitewash’ sa kaso ay inalis sa puwesto ni Lomibao si Zamboanga del Norte Provincial Police Office (PPO) Director Supt. Jeufel Adriatico, pinuno ng binuong Task Force Cantoneros dahilan bayaw ito ni Gov. Rolando Yebes, isa sa mga target ng kritisismo ng pinaslang na brodkaster.

Samantalang tinanggal din si Supt. Tomas Hizon, hepe ng Dipolog City Police at miyembro ng Task Force upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Cantoneros.

Ipinalit naman kay Adriatico si Sr. Supt. Julmunir Jubail ng Western Mindanao Regional Police Office.

Magugunita na si Cantoneros ay pinagbabaril ng mga hindi kilalang lalaki habang kalalabas lamang ng radio station at pauwi na sa Dipolog City noong Mayo 4, 2005. (Ulat ni Joy Cantos)

CANTONEROS

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

DIPOLOG CITY

DIPOLOG CITY POLICE

DIRECTOR SUPT

JEUFEL ADRIATICO

JOY CANTOS

JULMUNIR JUBAIL

KLEIN CANTONEROS

NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

TASK FORCE CANTONEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with