Abogado at anak niratrat, patay
May 9, 2005 | 12:00am
Nueva Ecija Binistay ng bala hanggang sa mapatay ang isang de-kampanilyang abogado na isa ring political leader ng partidong Lakas-NUCD habang nadamay naman ang anak nitong lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang armadong salarin sa Brgy. Llanera, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.
Sa report na nakalap sa tanggapan ni Sr. Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija Provincial Police Director, kinilala ang mag-amang nasawi na sina Atty. Ambrosio Matias, 47-anyos at Leonard, 23, 3rd year Law student at kapwa naninirahan sa nasabing barangay.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-8:15 ng gabi habang nasa loob ng isang bahay kubo na kanilang pahingahan ang matandang Matias nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki at pagbabarilin ito.
Nang marinig ang mga putok ng baril ay sumugod naman ang anak nitong si Leonard kaya pinagbabaril rin ng mga suspek na makalipas ang ilang saglit ay mabilis na nagsitakas na parang walang anumang nangyari patungo sa direksiyon ng Rizal, Nueva Ecija.
Si Atty. Matias ay isang kilalang abogado sa lalawigan at dating nanilbihan bilang Provincial Administrator noong panahon ni dating Nueva Ecija Gov. Oscar Tinio noong 1997. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended