Mag-utol, 1 pa todas sa balon
May 8, 2005 | 12:00am
RAMON, Isabela Tatlong kalalakihan na kinabibilangan ng mag-utol ang namatay makaraang tangkaing iligtas ang isa pa nilang kapatid na nahulog sa hinuhukay na malalim na balon sa Barangay Bugallon Norte sa bayang ito noong Huwebes ng hapon, Mayo 5, 2005.
Kabilang sa nasawing biktima ay nakilalang sina Diony Pablo ng Barangay San Miguel sa bayan ng Ramon; ang magkapatid na Pedro Honorio at Daniel Honorio na kapwa residente ng Barangay Bugallon Norte sa bayang ito.
Sa pahayag ni P/Chief Insp. Jose Molina, hepe ng PNP sa bayan ng Ramon, ang mga biktima ay namatay sa may 15-metrong lalim na hinuhukay na balon habang inililigtas si Windel Honorio na unang nahulog habang naghuhukay sa nasabing lugar.
May teorya ang mga imbestigador ng pulisya, na kakulangan ng hangin sa ilalim ng balon kayat nahirapan ang tatlo at hindi na nakayanan ng kanilang katawan.
Sa kasalukuyan ay nasa Southern Isabela General Hospital si Windel Honorio na unang nahulog sa hinuhukay na balon, samantalang wala ng buhay ang mga biktima nang iahon ng mga rescue team mula sa balon. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest