42-sibilyan ‘hinaras’ ng AFP

BULACAN — Aabot sa apatnapu’t dalawang sibilyan na pinaniniwalaang supporter ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang hinaras at dinakip ng mga kawal ng 702nd Brigade ng Philippine Army bago dinala sa kampo na sakop ng bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa. Ayon sa ulat, ang mga dinakip ay mula sa Barangay Malasipit at Barangay Sta. Ines. Matapos ang sampung oras na interogasyon sa nasabing kampo ay pinalaya rin dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at pulisya. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments