^

Probinsiya

Pamilya nalason sa kabute

-
COTABATO CITY — Limang miyembro ng pamilya kabilang ang tatlong paslit ang nasa kritikal na kondisyon makaraang malason ng ligaw na kabute noong Miyerkules sa liblib na bayan ng Lebak sa Sultan Kudarat.

Sa limang biktima na ngayon ay ginagamot sa provincial hospital sa President Roxas, Cotabato ay masyadong naapektuhan ng lason ng kabute ang 12-anyos na si Meg Brian Bernalte.

Kabilang sa biktima ay si Olive Estrope Bernalte; mister nito at dalawa pang anak na hindi nabatid ang pangalan.

Sa pahayag ni Dr. Gil Pabellon, ang limang pasyente ay nakaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at panghihina ng katawan matapos na kumain ng ligaw na kabute.

Sa salaysay ni Olive kay Dr. Pabellon, kalimitang kumakain sila ng kabute na kinuha sa plantasyon ng goma may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay, subalit hindi akalain ng pamilya Bernalte na nakalalason ang kinuha na ligaw na kabute.

May teorya si Dr. Pabellon na ang nakuhang kabute ng pamilya Bernalte ay isa sa nakalalason dahil na rin sa tumitinding init ng panahon.

Posible rin kontaminado ng dumi ng palaka ang nakuhang ligaw na kabute ng mga biktima.

Patuloy naman sinusuri ng mga kinauukulan ang kabute na kinain ng mga biktima. (Ulat ni John Unson)

BERNALTE

COTABATO

DR. GIL PABELLON

DR. PABELLON

JOHN UNSON

KABUTE

MEG BRIAN BERNALTE

OLIVE ESTROPE BERNALTE

PRESIDENT ROXAS

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with