PNP Colonel handang humarap sa imbestigasyon sa kasong inambus na brodkaster
May 6, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Handang humarap sa imbestigasyon ang sinibak na si Ilocos Sur Provincial Commander Sr. Supt. Mario Subagan upang linisin ang kanyang pangalan sa kaso ng pananambang kay dzXE radio commentator Nestor Seguismundo sa Bantay, Ilocos Sur may isang linggo na ang nakalilipas.
Si Subagan ay sinibak noong Mayo 3 ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao at pansamantalang ipinalit si Sr. Supt. Crispin Agno, Ilocos Sur Assistant Provincial Director bilang officer-in-charge upang bigyang daan ang imbestigasyon sa kaso ng pananambang sa naturang brodkaster.
Ang nasabing brodkaster ay nakaligtas matapos ambusin ng mga armadong kalalakihan sa harapan ng kanyang tahanan sa Bantay, Ilocos Sur dakong alas-9:30 ng gabi noong nakalipas na Abril 29.
Sinabi naman ni Subagan na maraming kaaway si Seguismundo dahil sa walang humpay at matitinding pagbanat nito sa kanyang programa sa radyo.
Base sa tala ng pulisya, bago ang nagdaang 2004 elections, si Seguismundo ay kinasuhan ng pambubugbog sa isang 30-anyos na si May Layug ng Vigan City na naitala bilang criminal case No. 13072 na hanggang ngayon ay naghihintay pa ng desisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended