NBI pasok sa Cantoneros slay
May 6, 2005 | 12:00am
Inatasan ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagpatay sa isa na namang mamamahayag na si Klein Cantoneros.
Sa ipinalabas na memorandum kay NBI Director Gen. Reynaldo Wycoco, dapat na makipag-ugnayan ang NBI kay PNP Regional Director Chief Supt. Vidal Querol, na siyang namumuno sa itinatag na Task Force Cantoneros.
Kamakalawa ng gabi ay binawian ng buhay si Cantoneros sa Dipolog Medical Center habang sumasailalim sa operasyon matapos na pagbabarilin ng tatlong di pa nakikilalang mga suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo papauwi sa Brgy. Santa Filomena sa nasabing lalawigan.
Sinisilip ngayon ng pulisya ang posibilidad na tungkol sa walang puknat na pagbatikos sa kanyang radio program sa mga big time drug lords.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 9 Director Chief Supt. Vidal Querol, ipinag-utos na niya ang pagre-review sa mga tape ng program ni Cantoneros upang maresolba ang kaso.
Kasabay nito, umapela naman si PNP Spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil sa mga posibleng nakasaksi sa pagpatay kay Cantoneros na lumantad at makipagtulungan sa awtoridad para sa pag-aresto sa mga killers ng biktima.
Pang-apat na si Cantoneros sa mga mamamahayag na napatay sa loob ng nakalipas na dalawang buwan. (Ulat nina Grace dela Cruz at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest