^

Probinsiya

PNP commander ng Ilocus Sur sinibak

-
CAMP AGUINALDO – Sinibak kahapon ni PNP chief Director General Arturo Lomibao and provincial commander ng Ilocos Sur upang bigyang daan ang imbestigasyon sa bigong pananambang sa radio commentator sa kanyang nasasakupan.

Kinilala ang sinibak na opisyal na si Sr. Supt. Mario Subagan na pinalitan naman ni Supt. Crispin Agno bilang Officer-in-Charge.

"His (Subagan’s) relief would pave the way for an impartial investigation into the shooting of Nestor Seguismundo," pahayag ni PNP Spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil.

Si Seguismundo, isang matapang na komentarista ng DZXE radio ay binaril ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Boquig, Bantay, Ilocos Sur noong nakalipas na Abril 29 ng gabi.

Nabatid kay Bataoil na personal na binisita kahapon ni Lomibao si Seguismundo na kasalukuyan pang nagpapagaling ng kanyang sugat sa Vigan Cooperative Hospital.

Tiniyak naman ni Lomibao na gagawin lahat ng pulisya ang kanilang makakaya para mapagbayad sa batas ang responsable sa pagtatangka sa buhay ng naturang komentarista. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CRISPIN AGNO

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

LOMIBAO

MARIO SUBAGAN

NESTOR SEGUISMUNDO

SI SEGUISMUNDO

SPOKESMAN SR. SUPT

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with