^

Probinsiya

P.6M Petron robbery: Sekyu dedo

-
CAMP CRAME – Isang security guard ang kumpirmadong nasawi matapos hatawin ng matigas na bagay sa ulo ng apat na armadong kalalakihan na miyembro ng big time robbery/holdap sa isang gasolinahan sa Cabuyao, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Basag ang bungo nang matagpuan ng mga nagrespondeng kagawad ng pulisya ang biktima na kinilalang si Mario Tagumata ng Bever Security Agency.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng isang empleyado ng Petron gasoline station matapos maganap ang krimen na siyang nag-report sa pulisya ng insidente.

Sa ulat, nabatid na nagawang matangay ng ’di pa nakilalang grupo ng mga holdaper ang P609,000 na nakalagay sa vault ng Petron gasoline na matatagpuan sa Brgy. Banay-Banay, Cabuyao ng lalawigan ito.

Pinaniniwalaang ang panghoholdap ay naganap sa pagitan ng ala-una hanggang pasado alas-4 ng madaling-araw.

Nabatid na nawawala rin ang service revolver ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga holdaper.

Sa kasalukuyan ay masusi pang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso kabilang na ang anggulo ng inside job. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BANAY-BANAY

BASAG

BEVER SECURITY AGENCY

BRGY

CABUYAO

ED AMOROSO

ISANG

JOY CANTOS

MARIO TAGUMATA

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with