^

Probinsiya

Kidnaper timbog, estudyante nailigtas

-
BALANGA CITY, Bataan — Nabawi ng mga kagawad ng Criminal Intelligence and Detection Group (CIDG) ang isang 16-anyos na estudyanteng babae makaraang tangayin ng isang 30-anyos na Fil-Am kamakalawa sa Mabini St. Barangay Bagumbayan, Balanga City.

Kinilala ni PC Insp. Antolin Rumbaoa, hepe ng CIDG ang biktimang itinago sa pangalang Richelle ng Barangay Calungusan, Orion, Bataan.

Samantalang ang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Larry Enriquez y Lonzon, 30, ng Barangay Burgos Pilar, Bataan.

Sa ulat, kinidnap ang biktima noong Abril 30 ng hapon sa plasa ng Balanga City.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang mamataan ang suspek na sakay ng big bike, kaangkas ang biktima.

Agad na isinagawa ang operasyon at pagsapit sa eksaktong lugar ay nakorner ni Rumbaoa ang suspek at ng makilala ng suspek na isa itong operatiba ay akmang bubunot ito ng baril, subali’t pinuputukan agad ni Rumbaoa sa kaliwang balikat.

Mabilis namang isinugod ang suspek sa Isaac Catalina Memorial Center sa Balanga City at ngayon ay nagpapahinga habang binabantayan ng pulisya. (Ulat ni Jonie Capalaran)

ANTOLIN RUMBAOA

BALANGA CITY

BARANGAY BURGOS PILAR

BARANGAY CALUNGUSAN

CRIMINAL INTELLIGENCE AND DETECTION GROUP

ISAAC CATALINA MEMORIAL CENTER

JONIE CAPALARAN

LARRY ENRIQUEZ

MABINI ST. BARANGAY BAGUMBAYAN

RUMBAOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with