Sa ulat, bandang alas-12 ng tanghali nang bumili ng lechong baboy ang mga biktima mula sa vendor na si Juanito Rom ng Barangay Dunga ng nasabing lungsod.
Napag-alamang si Rom ay matagal ng tindero ng lechon sa bisinidad ng Danao City Hall na ang karamihang biktima ay namamasukan sa palibot ng pamahalaang bayan. Gayunman, ilang minuto matapos na kumain ng lechon ay nakaranas ang mga biktima ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagtatae at pagsusuka kaya agad silang isinugod sa Danao City District Hospital. Base sa ulat, ilan sa mga biktimang maselan ang kondisyon ay inilipat sa Cebu City Hospital.
Naniniwala ang mga doktor na masyadong nainitan ng sikat ng araw o kaya kontaminado ng bacteria ang lechong nabili ng mga biktima.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang vendor na nagbenta ng lechon habang patuloy na sinisiyasat ang naganap na insidente.
Kinilala ni Dr. Libio Macatangay, attending physician ng Jesus of Nazareth Hospital, ang mga biktimang na-food poison na sina: Mona Margaret, 6; Lizet Erica, 5; Kaire Marie, 2 ; Nerlglenne, 12 at Mary Lien, 9 na pawang Pasco ang apelyido at kanilang lolo at lola na sina Ignacio, 70 at Luisita Flores, 56.
Sa ulat, bandang alas-12 ng hatinggabi ng makaramdam ng pagsusuka at pagtatae ang mga biktima matapos mag-ulam ng tapa sa kanilang hapunan.
Isinugod sa ospital kinabukasan ng hapon sakay ng isang bangka mula sa bulubunduking lugar ng Isla Verde sanhi ng kawalan ng transportasyon sa dagat.
Sinabi ni Dr. Macatangay na nakuha ng mga biktima ang bacteria sa kinaing tapa (burong karne) na tinatawag na "staphylococus food poisoning" na mabilis kumalat sa immune system ng mga biktima pagkalipas ng ilang oras.
Sinabi ni Rosalie Pasco, ina ng 5 batang biktima na siya mismo ang naghanda ng isang kilong tapa ng karneng baboy na binili ng kanyang asawang si Rexner sa maglalako ng karne.
Ibinabad umano niya ang karneng baboy sa suka, toyo, bawang at nilagyan ng asin at inimbak sa boteng lalagyan ng may dalawang araw bago niluto.
Nagtaka umano si Mang Rexner Pasco, ama ng mga biktima dahil sila mismo ng kanyang misis ay kumain din ng tapang karne, ngunit hindi sila naapektuhan ng bacteria.
Samantala, nagbigay ng tulong si Batangas City Mayor Eduardo Dimacuha sa mga na biktima ng food poisoning sa pamamagitan ng health card para sa pamilyang Pasco at Flores.