5 suspek sa holdap timbog
May 1, 2005 | 12:00am
BULACAN Limang kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng holdapan sa ibat ibang bayan sa Bulacan ang nadakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang biktimahin ang beterenaryo sa kahabaan ng McArthur Highway na sakop ng Barangay San Juan sa bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa.
Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Reynante Celeste, 29; Jose Rey Abris, 35, na kapwa naninirahan sa 1149 Villa St., Singalong, Manila; Melchor Manzano, 30, ng Area I Champaca St., Novaliches, Quezon City; Ignacio Conio, 25, ng Barangay Tumana, Sta. Maria, Bulacan; at Dominador Tulin, 41, Block 28 Lot 18 Harmony Hills, Loma de Gato, Marilao, Bulacan.
Ayon kay P/Chief Inspector Eufemio Espino, police chief ng Balagtas PNP, naispatan ng mga nagpapatrulyang pulis ang sasakyan ng mga suspek matapos na holdapin ang biktimang si Manuel Goltiao, 46, ng Barangay Bunducan, Bocaue, Bulacan.
Napag-alamang ang biktima ay nag-withdraw ng malaking halaga sa banko at habang nagmamaneho ng Honda CRV (HHH-505) ay hinarang ng mga suspek.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga kagawad ng pulisya hanggang sa makorner ang mga ito sa nabanggit na barangay.
Narekober sa mga suspek ang isang motorsiklo na walang plaka, Nissan Sentra na may plakang TCT-301, dalawang baril at dalawang cell phones. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended