Globe cellsite sinunog ng NPA rebels
April 29, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, LEGAZPI CITY Isang cellsite ng Globe Telecommunications (Telecom) ang sinunog ng mga nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Brgy. Purog, Bulusan, Sorsogon kahapon ng umaga. Sa ulat ni Sorsogon PNP Provincial Director Sr. Supt. Arnold Revilla, bandang alas-6 ng umaga ng sunugin ng sampung rebelde ang cellsite ng Globe sa nasabing lugar.
Binuhusan umano ng gasolina ng mga rebelde ang cellsite sinindihan at bago nagsitakas ay nagpaputok pa ng baril. Lumilitaw naman na ang mariing pagtanggi ng may-ari ng Globe Telecom na magbigay ng revolutionary tax ang motibo ng panununog. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended