Kinilala ang mga nasawi na sina SPO3 Norman Correa, nakatalaga sa Roxas Police sa Oriental Mindoro; Elizalde Badilla, 32, isang sibilyang pasahero at residente ng Mayon St., Paco, Manila.
Isa sa mga holdaper ay nakilala sa pamamagitan ng kaniyang identification card na si Frank Avila at namatay naman habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna ang isa pa nitong kasamahan na si Jim Banigo-os, Galangue.
Bandang alas-11 ng umaga habang bumabagtas ang Tritran-Jam Transit na may plakang DVX-988 sa kahabaan ng highway ng Biñan, Laguna ng magdeklara ng holdap ang mga suspect.
Biglang binunot ni Correa na noon ay nakasibilyan ang kaniyang baril at pinaputukan ang isa sa mga holdaper pero gumanti ng putok ang iba nitong mga kasamahan kung saan nasugatan ang dalawang iba pa na sina Aida Gorrospe at ama ng pulis na si Jose Correa na kapwa idineklarang nasa ligtas ng kalagayan. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)