4 holdaper nadakma

PAMPANGA — Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper ang nadakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng mga suspek sa Barangay Palmayo sa bayan ng Floridablanca, Pampanga. Sinampahan na ng kaukulan kaso ang mga suspek na sina John "Jack" Lee; Dante "Boboy" Dizon; Mark "Nong" Manale at Noe "Wing" Garcia na pawang naninirahan sa Barangay Palmayo.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng reklamong isinampa ng mga biktimang sina Amelia Manalang; Christina Lim at Efren Montemayor. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments