4 patay, 35 sugatan
April 27, 2005 | 12:00am
TUGUEGARAO CITY Apat-katao ang kumpirmadong patay habang tatlumput limang iba pa ang malubhang nasugatan matapos na bumaliktad ng dalawang beses ang pampasaherong dyipni na lulan ang mga biktima noong Biyernes ng umaga (Abril 22) sa kahabaan ng national highway sa Barangay Alabug, Tuao, Cagayan.
Sa naantalang ulat ng pulisya, ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina: Gloria Cagan; Bryan Macugay; Janet Baluyan at Marlyn Adan, pawang mga pasahero na nakasakay sa ibabaw ng dyipni.
Ayon kay Senior Supt. James Melad, Cagayan police director, minamaneho ni Gregorio Warden ang dyipni mula sa bahagi ng Conner, Apayao patungong Tuguegarao City nang mawalan ng kontrol.
Dahil sa overloaded ang sakay ay hindi nakontrol ng drayber ang manibela ng sasakyan habang bumabagtas sa pakurbadang lansangan hanggang sa bumaligtad ng dalawang ulit.
Sinampahan na ng kasong multiple homicide at multiple physical injuries due to reckless imprudence ang may-ari at drayber ng nasabing sasakyan. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest