8 kawatan nadakma

RIZAL — Walong kabataang lalaki na may edad 10 hanggang 16-anyos ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga ari-arian sa loob ng bahay na sakop ng Alcantara Compound sa Barangay San Isidro, Taytay, Rizal kamakalawa.

Dahil sa pawang menor-de-edad ang mga suspek ay nakatakdang dalhin ng pulisya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kinilala naman ng pulisya ang may-ari ng bahay na si Edgardo Mendoza, 45, na humingi ng tulong sa pulisya matapos na madiskubre ang insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments