^

Probinsiya

2 tiklo sa mga isdang dinamita

-
BATAAN – Dalawang sibilyan ang dinakma ng mga kagawad ng pulisya makaraang makumpiskahan ng 90-kilong isda na ginamitan ng dinamita habang nagtitinda sa pamilihang bayan ng Barangay San Jose sa Balanga City, Bataan kamakalawa.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Lilia de Guzman, 57, ng Riverside, Barangay Lamao, Limay at Nestor Castro, 48, kapwa residente ng Barangay Lamao sa Limay, Bataan.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Luisito Magnaye, hepe ng PIIB, may natanggap silang impormasyon na naglalako ng kilu-kilong isda ang mga suspek na ginamitan ng dinamita.

Agad namang rumesponde ang pulisya at naaktuhang nagtitinda ng isda na nalambat sa pamamagitan ng dinamita.

Ang nakumpiskang isda ay dinala ng mga kawani ng Agriculturist sa Bahay Puso Foundation sa Barangay Tuyo, Bataan Provincial Jail at sa ahensiya ng Department of Social Worker na pawang nasa Balanga City.

Pansamantalang nasa custody ng barangay opisyal ng Barangay Lamao ang mga suspek at nakahandang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BAHAY PUSO FOUNDATION

BALANGA CITY

BARANGAY LAMAO

BARANGAY SAN JOSE

BARANGAY TUYO

BATAAN PROVINCIAL JAIL

CHIEF INSPECTOR LUISITO MAGNAYE

DEPARTMENT OF SOCIAL WORKER

JONIE CAPALARAN

LIMAY

NESTOR CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with