Dyip vs mixer: Lola dedo, 8 sugatan
CAVITE Isang 64-anyos na lola ang kumpirmadong namatay habang walo pa ang naitalang sugatan makaraang mahagip ang sinasakyang pampasaherong dyip (DGR-624) ng mga biktima ng rumaragasang trak mixer sa lansangang sakop ng Barangay Iruhin Central sa Tagaytay City kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Ospital ng Tagaytay si Remedios Bobadilla, 64, samantalang ginagamot naman ang mga sugatang biktima. Boluntaryong sumuko ang drayber ng trak (WRZ-599) na si Timothy Malungao, 36, ng Blk. 7, Lot 5 Mabuhay 2000, Paliparan 1, Dasmariñas, Cavite. (Ulat ni Lolit Yamsuan)