2 todas sa road mishap

CAVITE — Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang sampu pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang sasakyan sa nakaparadang trak sa gilid ng Aguinaldo Highway sa Barangay Biga I, Silang Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa namatay ay sina Maricel De Mesa, 19; at Lope Tagibao, 61, na kapwa naninirahan sa Barangay Karituran sa bayan ng Calatagan, Batangas. May teorya si PO2 Dennis Patambang na hindi napansin ng drayber ng Isuzu Elf (TST-219) na nakaparada ang trak (PUC-259). (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments