Pulis, 2 kidnaper todas sa bakbakan
April 22, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput isa-katao na karamihan ay estudyante ang nasagip ng tropa ng militar at pulisya mula sa kamay ng mga kidnaper na ikinasawi ng dalawang kidnaper at pulis sa Lanao del Sur kahapon.
Sa pahayag ni Brig. General Ben Dolorfino, kumander ng 2nd Marine Brigade, bandang alas-7:30 ng umaga nang harangin ng mga armadong kalalakihan ang dyip na sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Barangay Ini, Saguiran, Lanao del Sur.
Napag-alamang ang dyip ay mula sa Iligan City patungong Marawi City nang dukutin ang mga biktima at dalhin sa kagubatan ng nasabing bayan.
Agad naman natunugan ng mga awtoridad ang insidente kaya nagsagawa ng rescue operation para mailigtas ang mga biktima.
Unang nailigtas ang anim na biktima kabilang na ang isang 54-anyos na babae at nasundan pang naisalba ang dalawa makaraang abandonahin ng mga kidnaper.
May ilang oras din nakipagbakbakan ang tropa ng militar at pulisya na nagresulta sa pagkamatay ni PO1 Edris Sultan ng PNP Regional Mobile Group at dalawang hindi kilalang kidnaper na kapwa kasapi ng Magaloyan kidnap-for-ransom group, subalit hindi narekober ang mga bangkay na pinaniniwalaang tinangay ng mga kasamahang kidnaper.
Nailigtas naman ang nalalabing biktima na kinilalang sina Joy Janice Closas, 4th year college sa Mindanao State University; Esterlita Gaas, 48; Noel Villacorte, 50, cook ng MSU cafeteria; Manalinda Macarampat, 18, nursing student; Rose Pascual, 16; Glorietta Castillano, 53, clerk ng MSU at si Mauyag Cosain, drayber ng pampasaherong dyipni.
Nagpapatuloy pa rin sa operasyon ang mga awtoridad laban sa mga kidnaper. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended