Kidnaper timbog, sanggol nailigtas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya — Bumagsak sa kamay ng mga kagawad ng pulisya ang isang 40-anyos na lalaki na pinaniniwalaang kumidnap sa isang siyam na buwang sanggol na nailigtas naman noong Lunes sa Barangay Banganan, Aritao sa lalawigan ito. Nailigtas ang sanggol na si Anglea Del Campo, isang Koreano, habang ang suspek naman na kasalukuyang humihimas ng rehas ay nakilalang si Domingo Ebardo, alyas Andy ng #25 Duhat Road, Potrero sa Malabon, Maynila.

Ayon kay P/Senior Insp. Zaidee Daculog, hepe ng Aritao PNP kay P/Senior Supt. Ruben Catabona, provincial director, dinukot ang biktima sa nabanggit na barangay at nailigtas sa pampasaherong bus sa Gapan City, Nueva Ecija. (Ulat ni Victor Martin)

Show comments