Pakay ngayon ng manhunt operations ang mga puganteng kinilalang sina Roderick Linihan; Lyndon Dongcoy; Johnny Lingcono; Danilo Dumdum; Arnel Arances; Jesus Montegrejo; Dante Nievas; Roger Turon at Roberto Baticudon.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, bandang alas-4:45 ng hapon nang mag-riot sa detention cell ng Dumaguete City Jail.
Mabilis namang nagresponde ang dalawang jailguards na sina Jail Officer 1 Danilo Melon at Jerry Pajulas, subalit pagdating sa site ng riot ay agad silang pinagsasaksak ng mga preso.
Sinamantala ng mga pugante na nagpapanakbuhan pa sa administration building at nang-hostage pa ng ilang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bago tuluyang tumakas tangay ang isang shotgun, isang carbine rifle at isang caliber .38 revolver.
Lumilitaw naman sa pangunang imbestigasyon na sinadya ng mga pugante ang riot bilang paraan para makatakas sa kanilang detention cell.
Sa isinasagawang manhunt operations ay narekober naman ang mga armas na natangay ng mga pugante maliban sa isang cal. 38 revolver na inabondona ng mga bilanggo sa likurang bahagi ng Junob National Headquartes sa Brgy. Talay, Dumaguete City. (Ulat ni Joy Cantos)