Jailbreak: 9 preso nakapuga
April 20, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Siyam na bilanggo ang nakatakas matapos mag-riot, manaksak at ihostage pa ang ilang jailguards sa naganap na jailbreak na binalot ng matinding tensiyon sa Dumaguete City Jail na sakop ng Barangay Bajumpandan sa Negros Oriental kamakalawa.
Pakay ngayon ng manhunt operations ang mga puganteng kinilalang sina Roderick Linihan; Lyndon Dongcoy; Johnny Lingcono; Danilo Dumdum; Arnel Arances; Jesus Montegrejo; Dante Nievas; Roger Turon at Roberto Baticudon.
Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, bandang alas-4:45 ng hapon nang mag-riot sa detention cell ng Dumaguete City Jail.
Mabilis namang nagresponde ang dalawang jailguards na sina Jail Officer 1 Danilo Melon at Jerry Pajulas, subalit pagdating sa site ng riot ay agad silang pinagsasaksak ng mga preso.
Sinamantala ng mga pugante na nagpapanakbuhan pa sa administration building at nang-hostage pa ng ilang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bago tuluyang tumakas tangay ang isang shotgun, isang carbine rifle at isang caliber .38 revolver.
Lumilitaw naman sa pangunang imbestigasyon na sinadya ng mga pugante ang riot bilang paraan para makatakas sa kanilang detention cell.
Sa isinasagawang manhunt operations ay narekober naman ang mga armas na natangay ng mga pugante maliban sa isang cal. 38 revolver na inabondona ng mga bilanggo sa likurang bahagi ng Junob National Headquartes sa Brgy. Talay, Dumaguete City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended