Kabilang sa napaslang ay nakilalang sina Paulino Gusi, 47, konsehal ng barangay at naninirahan sa Barangay Salvacion; Jason Parafina, 27, ng Barangay Ibabang Kinagunan; at Romelito Rivera, 41, ng Caloocan City.
Malubha rin nasugatan dahil sa tama ng bala ng M16 Armalite rifle ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan na si Juancho Parafina, 38, na isinugod sa Unisan Medical Hospital bago inilipat sa isang ospital sa Lucena City.
Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Corporal Wilson Altona ng 59th infanry Battalion ng Phil. Army.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Leo Kison, provincial director ng Quezon, naganap ang pamamaril sa loob ng videoke bar na pag-aari ni Resty Bagnian sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang nakaupo ang mga biktima at nag-iinuman ng alak malapit sa mesa ng suspek na biglang umalis palabas ng videoka bar. Pagbalik ng suspek sa videoke bar ay may bitbit na itong armalite rifle at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktimang nakaupo sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sinisiyasat pa ng pulisya kung ano ang naging motibo ng suspek para mag-amok sa loob ng videoke bar. (Ulat ni Arnell Ozaeta)