^

Probinsiya

3 patay sa amok ng sundalo

-
CAMP GUILLERMO NAKAR, Lucena City — Tatlo-katao kabilang na ang konsehal ng barangay ang kumpirmadong napaslang makaraang mag-amok ang isang kawal ng Philippine Army sa loob ng videoke bar na sakop ng Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Agdangan sa Quezon noong Lunes ng hapon.

Kabilang sa napaslang ay nakilalang sina Paulino Gusi, 47, konsehal ng barangay at naninirahan sa Barangay Salvacion; Jason Parafina, 27, ng Barangay Ibabang Kinagunan; at Romelito Rivera, 41, ng Caloocan City.

Malubha rin nasugatan dahil sa tama ng bala ng M16 Armalite rifle ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan na si Juancho Parafina, 38, na isinugod sa Unisan Medical Hospital bago inilipat sa isang ospital sa Lucena City.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Corporal Wilson Altona ng 59th infanry Battalion ng Phil. Army.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Leo Kison, provincial director ng Quezon, naganap ang pamamaril sa loob ng videoke bar na pag-aari ni Resty Bagnian sa nabanggit na barangay.

Napag-alamang nakaupo ang mga biktima at nag-iinuman ng alak malapit sa mesa ng suspek na biglang umalis palabas ng videoka bar. Pagbalik ng suspek sa videoke bar ay may bitbit na itong armalite rifle at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktimang nakaupo sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Sinisiyasat pa ng pulisya kung ano ang naging motibo ng suspek para mag-amok sa loob ng videoke bar. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY IBABANG KINAGUNAN

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SALVACION

CALOOCAN CITY

CORPORAL WILSON ALTONA

JASON PARAFINA

JUANCHO PARAFINA

LEO KISON

LUCENA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with