Chavit dadalo sa birthday ni Erap?
April 19, 2005 | 12:00am
BAYOMBONG, Naueva Vizcaya Dadalo si Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson sa kaarawan ni dating pangulong Joseph "Erap" Estrada ngayong Martes, Abril 19, kung pormal siyang (Estrada) iimbitahan bilang isa sa mga bisita sa ika-68 kaarawan.
Ito ang naging kasagutan ni Singson nang makapanayam ng PSN kamakalawa (Abril 17) nang dumalaw ito sa Villa Margarita Resort sa lalawigang ito, kung saan siya ang naging panauhing pandangal sa annual assembly ng Northern Luzon Multi-Purpose Cooperative Association sa buong rehiyon 02.
Ayon kay Singson, ang kanyang pagdalo kung sakaling siya ay maimbitahan sa ika-68 kaarawan ng dating pangulong Estrada na gaganapin sa kanyang resthouse sa Tanay Rizal ay bilang tanda ng reconciliation at pagkakaibigan.
Magugunita na si Singson, ang isa sa sinasabing instrumento upang tuluyang mapatalsik sa pwesto si Estrada bilang pangulo ng Pilipinas.
Umaasa naman ang Gobernador ng Ilocos Sur na malalampasan ni Estrada ang mga pagsubok na kanyang hinaharap sa ngayon bilang wish niya sa kaarawan ng dating pangulo.
Nakatakdang ganapin ang kaarawan ni Estrada ngayon sa kanyang Villa matapos magsampa ito ng motion upang hilingin sa korte na payagan siyang tumanggap ng mga bisita, kamag-anak at mga kaibigan para makasama sa kanyang kaarawan. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am