1 MILF todas sa encounter; 5 pa sugatan

Camp Aguinaldo – Isa pang miyembro ng mga rebeldeng Muslim ang napaslang habang lima ang nasugatan matapos na muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng naturang grupo sa Talayan, Maguindanao kamakalawa.

Nabatid na pinasok ng tropa ng Special Forces ng Phil. Army ang pinagkukutaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels sa Talayan Village upang beripikahin ang napaulat na presensiya dito ni Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani.

Sa report ng Army’s 6th Infantry Division (ID), nabigo ang mga sundalo na matagpuan si Janjalani pero nakasagupa ang grupo ng MILF na ikinasawi ng isang rebelde habang lima pa ang nasugatan na pawang ’di pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Sa panig naman ni Eid Kabalu, Spokesman ng MILF isa pang guerilla ang nawawala sa insidente at may nasugatan ring mga sundalo sa bakbakan. Inaasahan namang ’di makakaapekto sa pagpapatuloy muli ng peace talks sa pagitan ng GRP at MILF peace panels ang naganap na sagupaan. - (Joy Cantos)

Show comments