^

Probinsiya

Jueteng nagsulputan

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Nagbigay pugay din ang mga jueteng operator sa yumaong si Pope John Poul II at pansamantalang itigil ang operasyon nito sa lambak ng Cagayan Valley noong March 30, 2005, subalit muling ibinalik noong Miyerkules, April 13 hanggang sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga lalawigan na namamayagpag ang jueteng ay ang Cagayan, Isabela at Quirino na pinaniniwalaang binigyan ng basbas ng mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan at PNP.

Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalan, nakilala ang ilang personalidad na responsable sa jueteng sa nasabing mga lalawigan tulad nila Michael Borma, bilang financier, na ginagamit naman ang isang Lucing bilang taga-pamahala at suportado naman ng mga tiwaling opisyal ng pulisya.

Binalaan naman ni Nueva Vizcaya Bishop Ramon Villena sa kanyang pahayag sa dwRV Radio Veritas, na ibubunyag ang mga pangalan ng nasa likod ng sugal na jueteng kung magpapatuloy ang pangongolekta ng mga kubrador sa kanilang nasasakupan.

Iginiit din ng Obispo na hawak niya ang mga katibayan na nagsasabi kung sinu-sino ang mga tiwaling opisyal at politiko na nagbibigay ng proteksyon sa nasabing illegal na sugal. (Ulat ni Victor Martin)

vuukle comment

AYON

BINALAAN

CAGAYAN VALLEY

MICHAEL BORMA

NUEVA VIZCAYA

NUEVA VIZCAYA BISHOP RAMON VILLENA

POPE JOHN POUL

RADIO VERITAS

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with