Mag-ama na wanted timbog

MARIVELES, Bataan — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang mag-ama na wanted sa kasong arson makaraang salakayin ang pinagkukutaang bahay sa Sitio Porto, Barangay Balon Anito sa bayan ng Mariveles, Bataan noong Martes. P.2milyong piyansa ang itinakda ng piskalya sa pansamantalang kalayaan ng mga suspek na sina Antonio Fernandez, 51, at anak nitong si Unsoy Fernandez, 18. Ayon kay P/Senior Insp. Teodoro dela Rosa, hepe ng Mariveles PNP, ang dalawa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bartolome Flores ng Regional Trial Court Branch 4 sa Balanga City. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments