Lider ng unyon nilikida
April 15, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang 46-anyos na lider ng unyon ng dalawang hindi kilalang lalaking naka-motorsiklo habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa bayan ng Manapla na sakop ng Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Ang biktimang si Edwin Bargamento na auditor ng asosasyong National Federation of Sugar Workers ay kagagaling lang sa kilos-protesta nang tambangan.
Pinaniniwalaan namang may kaugnayan ang pamamaslang sa pagiging lider ng unyon nito at aktibo sa pakikilahok sa kilos-protesta ng mga manggagawa. (Ulat ni Joy Cantos)
Pinaniniwalaan namang may kaugnayan ang pamamaslang sa pagiging lider ng unyon nito at aktibo sa pakikilahok sa kilos-protesta ng mga manggagawa. (Ulat ni Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended