Obrerong namintas tinodas

SARIAYA, Quezon — Dahil sa pamimintas sa boksingero ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na obrero ng mag-utol habang ang biktima ay nanonood ng boxing sa basketball court na sakop ng Barangay Manggalang Uno sa bayang ito, kamakalawa ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Javier Tolentino matapos na paputukan ng baril ng mag-utol na suspek na sina Melandro at Jay de Chavez.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez ng Sariaya PNP, nagalit ang mag-utol na suspek dahil sa kinakantyawan ng biktima ang kanilang kaibigang boksingero kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments