Kabilang sa napatay na holdaper ay nakilalang sina: Jorge Ampan at Mario Ampan habang namatay sa St. Elizabeth Hospital ang drayber na si Dionisio Ore matapos na tamaan ng bala ng baril sa ulo.
Sugatan naman sina Pastor Bengie Rivera; Antonio Santos at ang rumespondeng si Staff Sgt. Celerio Mapa ng Armys 601st Brigade.
Base sa ulat na nakalap sa opisina ni Army Chief Lt. Gen. Generoso Senga, Pagsapit sa bahagi ng Sitio Batotitik sa Barangay Bartolome ay nagdeklara ng holdap ang tatlong kalalakihan sa Yellow Bus Line, Inc. lulan ang 23 pasahero patungong Davao mula sa General Santos City.
Nilimas ng mga holdaper ang mga personal na gamit ng pasahero at salapi, ngunit nakatalon mula sa bus ang dispatcher at inalerto ang tropa ng militar at pulisya na nagbabantay sa checkpoint.
Sa pangambang madakip ay hinostage ng tatlo ang mga pasahero at nagkaroon ng komosyon sa loob ng bus kaya binaril sa ulo ang drayber at ipinamaneho ang sasakyan sa isang pasahero.
Ayon pa sa ulat, nagtalunan ang tatlong holdaper palabas ng bus matapos na mamataang may nakaabang ng militar at pulisya sa ikalawang checkpoint hanggang sa maganap ang bakbakan na tumagal ng 20-minuto. (Ulat ni Joy Cantos)