‘Mag-syota’ nalunod sa ilog

BULACAN — Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 16-anyos na estudyanteng babae at manliligaw nito makaraang malunod sa ilog na sakop ng Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng hapon. Ayon kay P/Supt. Ramon Bibit, police chief, bandang alas-2:30 ng hapon nang malunod ang mga biktimang sina Baby Rea Concepcion at Julius Cruz na kapwa residente ng Area D, Barangay Sta. Cruz, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat, nakabitiw ang babae sa ginagamit na salbabida at sinagip naman ng lalaki, subalit kapwa sila lumubog hanggang sa matagpuan ang kanilang bangkay dakong alas-6 ng gabi. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments