^

Probinsiya

5 kawani na nagbulgar ng anomalya, sinibak

-
SUBIC BAY FREEPORT – Limang empleyado na nakatalaga sa Seaport Department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang sinibak sa trabaho dahil sa hinalang nagbibigay ng impormasyon sa reporter na ito tungkol sa malawakang anomalya at kurapsyon sa nasabing tanggapan.

Sa panibagong impormasyong nakalap, sinibak sa kanilang puwesto ang mga walang kalaban-labang sina Florencio Cruz; Carlos Castro; Jessie Agustin; Jimmy Layug na kapwa residente ng Bataan at Abner Tirona ng Olongapo City.

Ang limang empleyado na pawang nakatalaga sa cargo at processing division ng Seaport Department ay sabay-sabay na sinibak sa tungkulin dahil sa maling hinala na nagbibigay ng impormasyon sa PSN.

Ang pagkakasibak sa lima ay sinang-ayunan ni Senior Deputy Administrator for Seaport Operations at Anti-Smuggling Task Force commander ret. Lt. Gen. Jose Calimlim matapos irekomenda nina Asycuda at cargo division chief John Aquino; Ernesto Paguyo, general manager ng Seaport Department at ret. Gen. Percival Subala, deputy administrator ng seaport operations

Matatandaan na naibulgar ng PSN ang ilegal na transaksyon sa loob ng Asycuda section tungkol sa talamak na bentahan ng green lane zone permit sa mga kasabwat na smugglers.

Tila naging inutil naman sina Paguyo, Subala at maging si Calimlim na masawata ang lumalalang anomalya sa naturang departamento na kinasasangkutan ng ilang opisyal. (Ulat ni Jeff Tombado)

ABNER TIRONA

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

ASYCUDA

CARLOS CASTRO

ERNESTO PAGUYO

FLORENCIO CRUZ

JEFF TOMBADO

JESSIE AGUSTIN

JIMMY LAYUG

SEAPORT DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with