Droga, ugat sa pamamaril sa Cavite City
April 13, 2005 | 12:00am
CAVITE Pinaniniwalaang bentahan ng ipinagbabawal na gamot ang motibo kaya naganap ang pamamaril sa bahagi ng Magcawas Street, Cavite City at ibinintang kay Cavite Vice Mayor Dino Chua.
Ito ang naging pahayag ni Cavite Mayor Bernardo Totie" Paredes matapos pagbintangan si Chua na utak sa pamamaril sa nabanggit na lugar.
Sinabi pa ni Paredes na magkasama sila ni Chua sa Samonte Park simula alas-9 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling-araw.
"Salungat sa report na ang pamamaril ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi at nakarekober pa ng 20 basyo ng M16 rifle at isang basag na side-mirror ng Toyota Altis," dagdag pa ni Paredes.
Ayon pa kay Mayor Paredes na ang nabanggit na lugar ay ginagawang kuta ng mga kabataang nagsusugal at pot session ng mga adik.
Naniniwala naman si Paredes na ang insidente ay gawa-gawa lamang ng mga taong lango sa droga at handa siyang tumestigo na hindi sangkot si Vice Mayor Chua sa pamamaril.
"Maaaring ang pagkakadawit ng pangalan ko sa naganap na insidente ay dahil sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga na naapektuhan ang modus operandi ng sindikato at sinamantala naman ang aking mga kalaban sa pulitika," pahayag ni Mayor Chua.
Sa ulat, isang malapit na kaanak na nag-aakusa kay Chua ang pinaniniwalaang sangkot sa droga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended