529 pulis-Abra sinibak
April 13, 2005 | 12:00am
Aabot sa 529 kagawad ng pulisya na nakabase sa Abra ang pinasisibak sa tungkulin ni DILG Sec. Angelo Reyes upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa nasabing lalawigan.
Sa memorandum order na may petsang Abril 12, 2005, inatasan ni Reyes, tumatayo rin chairman ng National Police Commission (Napolcom) si PNP chief Director General Arturo Lumibao na palitan ang buong puwersa ng kapulisan sa Camp Juan Villamor sa Bengued, Abra sa ilalim ni P/Senior Supt. Rodolfo Ebardo.
Ang naging aksyon ni Reyes ay bunsod na rin ng resultang isinumite sa kanya ng fact finding team na lumalala ang kriminalidad sa nasabing lalawigan dahil sa bangayan ng ilang grupo ng pulitiko.
Base sa imbestigasyon ng Napolcom na pinamunuan ni Commissioner Miguel Coronel, kasama sina Cordillera Administrative Region (CAR), Napolcom Director Rodolfo Santos Jr.; PNP-CAR Director Jesus Verzosa at DILG-CAR Director Everdina Doctor, na may namamayagpag na private armies sa Abra na ginagamit ng mga pulitiko at hindi kayang kontrolin ng kapulisan.
Nabatid din sa ulat na ilan sa mga kagawad ng pulisya ay nasa "payola" ng ilang pulitiko at ilan din sa mga ito ang tumatayong mga bodyguard.
Napag-alamang ginagamit ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang mga private armed group para sa kanilang illegal activities.
Sinabi pa ni Reyes na hindi na kailangan pang patagalin sa panunungkulan ng mga pulis sa Abra dahil wala namang nagagawa ang mga ito upang maiwasan ang sigalot at karahasan sa pagitan ng ibat ibang political groups.
Ang puwersa ng Regional Mobile Unit at ang Special Action Force ang hahalili sa mga sinibak na pulis. (Ulat nina Doris M. Franche, Lordeth B. Bonilla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am