186 kilong marijuana nasamsam
April 12, 2005 | 12:00am
SABLAN, Benguet Aabot sa 186 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na lulan ng van ang nasamsam ng mga kagawad ng pulisya sa checkpoint na sakop ng bayan ng Sablan na ikinadakip ng magka-live-in partner kamakalawa ng umaga. Pormal na sinampahan ng paglabag sa Illegal Drugs Act ang mga suspek na sina Romeo Nugue Pascual, 50, at Marissa Flores Balisi, 40, kapwa walang trabaho at residente ng #27 Bagong Silang, Delpan Street, Binondo, Maynila.
Base sa ulat ni P/Senior Supt. Vilamor Bumanglag, Benguet PNP provincial director, ang mga suspek ay lulan ng Hyundai Grace van (WKL-776) patungong kabayanan ng Sablan nang sundan ng pulisya at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa ulat, nakalusot ang sasakyan ng mga suspek sa unang checkpoint, subalit sa ikalawang pagkakataon ay nakahalata na ang dalawa kaya pinaharurot ni Romeo ang van hanggang sa makorner ng pulisya sa bahagi ng bayan ng Sablan.
Narekober sa dalawa ang 47 bricks na pinatuyong marijuana (186 kilos) na nakabalot sa pitong sakong plastic na nagkakahalaga ng P3,720,000, dalawang cellular phone at Guardian Forces ID ni Pascual.
Ayon kay Bumanglag, may ilang buwan ding isinailalim ang mga suspek sa masusing surveillance hanggang sa may nagbigay ng impormasyon sa modus operandi ng magka-live-in partner. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended